-- Advertisements --
IMG 20230206 185435

Nakikipag ugnayan ang Department of Trade and Industry sa Department of Agriculture upang matugunan ang sunod sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, ang pagkain at non-alcoholic beverages daw ang isa talaga sa malaki ang ambag sa inflation rate ng bansa.

Maraming mga agricultural products ang nagsisitaasan ang presyo kaya naman ngayon ay nakikipag tulungan ang Department of Trade and Industry para mapababa ang presyo ng mga agricultural products tulad ng mais, asukal at iba pang mga gulay.

Samantala, nakabantay naman raw ang Consumer protection agencies sa presyo at tinitiyak nilang mayroong sapat na supply.

Kapag maayos raw ang daloy ng supply ay walang dahilan upang magsitaasan ang presyo ng mga bilihin.

Ang ugnayang ito ng dalawang ahensya ay dahil sa sunod sunod na pagtaas ng bilihin sa merkado na lubos na nakakaapekto sa inflation rate at mga consumer ng bansa.