-- Advertisements --
image 157

Maglalabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng suggested retail price (SRPs) para sa basic necessities and prime commodities (BNPCs) ngayong buwan kasabay ng nagpapatuloy na pag-aaral sa hiling na umento mula sa mga manufacturers.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, mayroong notices na inihain ang manufacturers at ito ay patuloy na pinag-aaralanm ng kanilang team sa Consumer Protection Group.

Paliwanag pa ng kalihim na ang presyo ng inputs sa international market ay patuloy na gumagalaw gayundin din sa mga presyo ng mga produktong petrolyo at trigo na bumababa na.

Patuloy na minomonitor din ng DTI ang presyo ng raw materials simula noong Disyembre kasabay ng pag-assess sa request o notices of adjustment sa SRP para sa basic necessities and prime commodities.

Ayon sa DTI chief na posibleng ilabas ang bagong SRP kapag bumalik ito mula sa trip sa Davos, Switzerland para sa World Economic Forum.

Sa huling SRP bulletin na inisyu noong Agosto 2022, iniulat ng DTI na nasa 3.29% hanggang 10% ang itinaas sa SRP ng nasa 67 stock keeping units (SKUs) dahil sa pagtaas ng presyo ng raw materials at packaging.