-- Advertisements --
Muling siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na lahat ng pumapasok na pamumuhunan sa bansa mula sa working visits ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay may kaakibat na trabaho sa ating bansa.
Sinabi ni DTI Board of Investments Director Lanie Dormiento sa lahat na naging foreign trips ng Pangulo ay umabot na sa mahigit 189,000 indicated new jobs ang nakuha ng ating bansa sa mga kumpanyang personal na nagpahayag ng pamumuhunan sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Dormiento, ito ay patuloy na madaragdagan dahil sa pagbuhos ng mga foreign direct investments sa ating bansa sa mga susunod na taon.
Kaya naman asahan aniya na mararamdaman ito ng ating mga kababayan sa mga susunod pang mga buwan at taon.