-- Advertisements --
image 257

Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price guide para sa presyo ng mga Noche Buena products.

Sa naturang price guide kabilang ang mabilling noche buena products na ham, fruit cocktail, queso de bola, pasta o spaghetti, elbow macaroni, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce at creamer o all-purpose cream.

Ayon sa DTI na ang naturang Noche Buena items ay hindi naka-categorize bilang basic necessities at prime commodities salig sa Republic Act No. 75181 na inamyendahan ng Republic Act No. 10623.

Mula sa kabuuang 223 stock keeping units o product variants sa Noche Buena price guide, nasa 195 dito ay nakitaan ng pagtaas sa presyo.

Una ng sinabi ng DTI na ang presyo ng Noche Buena items ay nakatakdang magtaas bunsod na rin ng tumataas na presyo ng mga sangkap at ginagamit na raw materials.