Nagsanib-puwersa ngayon ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Science and Technology (DOST) para sa pag-develop ng validation at testing facility para sa automated fare collection scheme (AFCS) na magpapaganda sa serbisyo at ang magbebenepisyo sa mass transport systems sa buong bansa.
Sa isang statement, sinabi ni DOTr Transportation Secretary Jaime Bautista at DOST Secretary Renato Solidum na pumirma ang mga ito ng kasunduan na layong mag-establish ng laboratory testing facility na matatagpuan sa DOST-Electronics Product Development Center (EPDC) sa Bicutan, Taguig City.
Sila rin ang mamamahala sa roles at responsibilities ng mga partido kaugnay ng Certification and Validation (C&V) Testing ng Fare Media at Transit Readers.
Sinabi ni Bautista na ang collaboration ay magpo-provide ng ilang cashless payment technologies para sa riding public at mae-experience ang transportation standard na pareho sa ginagamit sa ilang bansa sa Asian region.
Sa ilalim ng memorandum of agreement, parehong mag-e-establish ang DOTr at DOST ng state-of-the-art testing equipment at validation facility for para sa automated fare collection scheme National Standards (NS) sa pamamagitan ng Electronics Product Development Center (EPDC) na pinapamahalaan ng DOST-Advanced Science and Technology Institute (ASTI).
Ang Electronics Product Development Center (EPDC) ay ang unang dedicated government electronics development at one-stop-shop facility na puwedeng mag-provide ng design, prototyping at testing services para sa electronics industry.
Una rito, sinabi ni Bautista na plano nilang magkaroon ng Automated Guideway Transit (AGT) na dinevelop ng DOST sa pagkonekta naman sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Aniya, magbebenepisyo sa mass transport option ang mga pasahero kapag lilipat sa ano mang terminal mula 1 hanggang 4.
Ang Automated Guideway Transit ay isa lamang sa mga alternatibo para sa mass transport technologies na na-develop ng Metals Industry Research and Development Center ng DOST.
Mayroon ding Hybrid Electric Road Train (HERT) na magiging option para sa mga bus ng EDSA Busway at para sa Bus Rapid Transit (BRT) projects sa bansa.