Nagsagawa ng mga hakbang upang matugunan ang nakkabahala na bilang ng mga aksidente sa kalsada sa Pilipinas bawat taon, ito’y bilang paggunita na sa World Day of remembrance for Road traffic victims.
Ayon kay transportation Undersercretary Mark Steven Pastor na nagtayo
marami na umanong imprastraktura ang gobyerno upang matugunan ang kaligtasan sa kalsada, kabilang na yung bikeways at mga rail project at road projects.
Dagdag niya ang mga ito rin ay PWD-friendly para mas madaling makabyahe ang mga tao lalo na ang mga bata.
Nakikipagtulungan na rin ang departamento ng transportasyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang magbigay ng mas mahusay na serbisyo tulad ng paglalagay ng lifter sa bus na dumadaan sa EDSA Carousel.
Sinabi naman ni MMDA Chairman Romando Artes na mahalaga ang disiplina ng mga motorista upang maiwasan ang mga banggaan sa kalsada.
Matatandaan na may humigit-kumulang 1,000 motorcycle accidents kada araw, kaya gumagawa ng hakbang ang MMDA para maturuan ang mga motorista at pedestrian sa road safety.
Gumagawa na rin ng mga hakbang ang Land Transportation Office para mabawasan ang bilang ng mga banggaan sa kalsada, required na rin kasi ang mga seminar bago makakuha ng lisensya.