-- Advertisements --

Iaalok na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na abril.

Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta na magiging bahagi ng programa

Ayon kay Department of Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor, ipapatupad ang bawas pasahe sa piling ruta sa mga siyudad na may pinakamaraming bilang ng pasahero upang na sa gayon ay mas marami pa ang matulungan ng programa matapos na mawala ang libreng sakay ng Edsa bus carousel na nagtapos noong December 31, 2022.

Sa ngayon, nagaantay na lamang ang Land transportation franchising and regulatory board sa budget o pondo para sa nasabing programa na inaasahan na maumpisahan na sa susunod na buwan.