-- Advertisements --
image 497

Iniimbestigahan na ng Department of Transportation ang reklamo ng isang commuter matapos masira ang laptop nito, nang dumaan sa sa security X-ray scanner sa MRT-3.

Nangyari umano ang worst experience ng college students sa MRT-3 Taft station Pasay City.

Ayon kay Allana, puwersahang itinulak ng isang lalaki sa kanyang likuran ang kanyang bag sa loob ng x-ray scanner na naging dahilan upang itinulak patayo ang kanyang backpack.

Sinabi rin niya na walang mga basket na magagamit sa MRT-3 Taft Station kung saan maaari niyang ilagay ang kanyang laptop.

Ayon naman sa MRT-3 maglalabas sila ng opisyal na pahayag pagkatapos ng buong imbestigasyon sa insidente.

Umaasa siya na ang kanyang karanasan ay magsisilbing paalala para sa mga kapwa commuter na maging maingat sa pag-aari ng iba.