-- Advertisements --
image 357

Isasama na ng Department of Transportation ang mga Jeep at UV express bilang dagdag sa mga bus sa una ng programa na service contracting program nationwide ng Department of Transportation.

Una rito ngayong taon nasa P1.2 billion ang inilaan na pondo para sa service contracting programs gaya ng EDSA bus carousel.

Ayon kay Undersecretary Mark Steven pastor, Mas mababa man ang naging pondo ngayong taon, binabalanse naman nila ang pondo para makatulong sa mga pasahero na mas makatipid pa sa kanilang mga budget sa sunod sunod na pagtaas ng bilihin

Samantala, ayon rin sa ahensya, buong bansa ang makikinabang sa mga discount at libreng sakay program kasama na ang mga nasa probinsiya kaya mas maganda na ito na kahit mas maliit ang pondo, eh lahat naman ay maabot ng tulong ng service contracting program ng ahensya.