Naihain na sa Kamara ang panukalang lilikha ng Department of Water Resources.
Sa House Bill No. 2514 na inihain ng baging kongresista na si Iloilo Rep. Lorenz Defensor, pagsasamasamahin na sa iisang kagawaran ang iba’t ibang opisina na may kinalaman sa tubig.
Target ng itatatag na bagong kagawaran na tugunan ang mga problema at tiyaking malinis, ligtas, at sustainable ang tubig na gagamitin ng publiko.
Ayon kay Defensor, ito ang nakikita niyang tugon makaraang makaranas ng krisis sa tubig ang Metro Manila at iba pang kalapit na lugar.
Nabatid na sa ngayon na ang National Water Resources Board (NWRB) ay nasa ilallim ng Department of Environment and Natural Reosurces (DENR).
Ang Local Water Utilities Administration (LWUA) at ang National Irrigation Administration (NIA) naman ay nasa ilalim ng Office of the President.