Kaagad na kinansela ng Hong Kong International airport ang lahat ng kanilang departure flights gawa nang hindi matapos-tapos na kaguluhan sa Hong Kong.
Libo-libong anti-government protesters ang nagsama-sama sa nasabing paliparan upang isagawa ang kanilang three-day protest na ang tanging layunin ay kunin ang suporta ng mga international tourists na papasok sa kanilang lungsod.
Ang naturang kanselasyon ay magkakaroon umano ng malaking epekto hindi lamang sa rehiyon ngunit maging sa iba’t ibang flight schedules sa buong mundo.
Ang Hong Kong International airport ay itinuturing na major regional hub kung saan halos mahigit 1,000 pasahero ang lumalalabas at pumapasok dito. Sineserbisyuhan din ng paliparan ang halos 200 international destinations.
Sa ngayon, ay pinalabas na ng mga otoridad ang lahat ng tao sa loob ng paliparan.
Samantala, nangako naman si Hong Kong leader Carrie Lam na mas lalo nitong pagbubutihin ang kaniyang sinumpaang tungkulin na muling kunin ang loob ng mga kabataan sa kaniyang lungsod.
Ginawa ni Lam ang pangakong ito matapos mabatid na karamihan sa mga nagpo-protesta laban sa kaniyang administrasyon ay mga kabataan.