DAVAO CITY – Nilinaw ngayon ng department of education Region 11 na isolated case lamang ang nangyaring pagkakahuli sa dalawang mga public school teacher na nauugnay sa illegal na droga.
Kung maalala, dalawang mga guro ang nahuli sa buy bust operation kung saan una nito ay nakilalang si alyas Abay, 43 anyos sa isinagawang operasyon ng kapulisan sa Brgy. Apokon Tagum city at isang guro sa Davao del Norte sa loob ng 13 taon.
Una ng sinabi ng suspek na nagbebenta siya ng shabu dahil sa hirap matapos mabiktima sa investment scam.
Nahuli rin ang isang Dowe Eve Lago Tagud, 40 anyos, public school teacher at Provincial Target Listed Drug personality number 4 sa Davao De Oro.
Nakuha rin mula sa kanyang posisyon ang 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P144,000, buy-bust money at mga drug paraphernalia.