KALIBO, Aklan—Tatalima ang Department of Education sa lalawigan ng Aklan sakaling may pormal ng memorandum mula sa kanilang central office na ipatupad ang Bagong Lipunan Hymn na maging bahagi ng flag ceremonies sa darating na pasukan.
Ayon kay Mar Bien Parel, division information officer ng DepEd Aklan na naghihintay pa sila ng utos kung saan, handa aniya sila na maglaan ng oras para dito dahil sa inaasahan na hahaba ang seremonya.
Positibo naman ang pagtanggap dito ng mga guro dahil isa sa mga naging kahulugan ng hymn ay ang pag-promote ng nasyonalismo.
Ang pagmemorya aniya sa nasabing hymn at pledge ay bahagi ng pagbabago kung isama sa seremonya ay kailangan na maikonekta ang sarili sa liriko ng awit.
Dagdag pa ni Parel na dapat maging bukas sa mga pagbabago para sa ikakabuti ng lahat at para sa bansa.
Nabatid na ang pagbukas ng klase para sa school year 2024-2025 ay nakatakda sa July 29.