-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Aminado ang Department of Education (DepEd)-Baguio na kulang ang mga guro o eksperto para sa Senior High School (SHS) sa lunsod ng Baguio.
Ayon kay Dr. Federico Martin, School’s Division Superintendent ng DepEd-Baguio, hindi sapat ang bilang ng mga SHS specialist kahit sa mga pribadong paaralan.
Inihayag niya na dahil dito ay may mga kinukuhang guro mula sa Junior High School para magturo sa SHS.
Binanggit niya nakadalasang 1:45 ang ratio ng bawat guro sa mga esudyante sa SHS.
Aniya, dahil dito ay kailangagn nasa 45 na estudyante ng SHS ang tututukan ng isang guro o eksperto.