LEGAZPI CITY – Aminado ang Department of Education (DepEd) Bicol na nagkaroon ng epekto sa mga pupunuang bakanteng posisyon ng mga guro ang pagka-delay ng pagpirma sa 2019 national budget.
Ayon kay DepEd Bicol Director Gilbert Sadsad sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nasa 10,000 na posisyon ang ipi-fillout sa buong bansa habang nasa 1,000 sa mga ito ang sa rehiyon.
Subalit hindi pa madetermina ang pangangailangan sa mga guro sa mga paaralan dahil hindi pa aniya lahat nag-enrol sa itinakdang enrolment.
Paglilinaw ni Sadsad, maituturing na lahat na school’s division ang mga bakanteng items na hindi pa 100% na napupunuan subalit ginagawan na ng adjustment ng school heads ang ratio ng mga guro sa estudyante.
Dagdag pa nito na nagiging problema rin na walang nakukuhang kwalipikado guro sa partikular na posisyon.
Samantala, mayroon pa rin aniya silang mga una nang pinadalhan ng notice na magreport na ngayong Hulyo matapos ang ranking at registry ng mga kwalipikadong aplikante.