-- Advertisements --

KALIBO, Aklan— Handa na ang Department of Education (DepEd) at lalawigan ng Antique sa paghost ng regional sporting events sa gaganapin na Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet sa Marso 1-8, 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Antique Schools Division Superintendent Dr. Nicasio Frio, tiniyak nito na magiging komportable sa inilaan na 12 billeting schools ang pamamalagi ng nasa 5,394 na delegasyon na kinabibilangan ng mga atleta, coaches, chaperoons, technical officials at iba pa mula sa mga probinsya ng Aklan, Guimaras, Iloilo, Negros, Capiz at sa mismong Antique.

Umabot sa P70 milyon pesos ang inilaan na pondo para sa playing venues at hosting expenditures mula sa local school board fund habang P31 milyon pesos naman ang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Antique para sa on-going renovation ng oval track na sigurado aniyang matatapos bago ang actual competition.

Dagdag pa ni Dr. Frio na well-coordinated ang lahat ng galaw at plano sa iba’t ibang partners agencies upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito.

Ang opening ceremony ay gaganapin sa March 2, alas-4:00 ng hapon sa Binirayan Sports Complex sa San Jose de Buenavista.