-- Advertisements --
DOH DEPED thumbnail

Sanib pwersa na ngayon ang Department of Education at Department of Health sa pagtataguyod ng malusog na pangangatawan at kaisipan ng mga estudyanteng Pilipino.

Ito’y matapos na pumirma ang dalawang ahensya sa isang kasunduan sa pangunguna ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte gayundin ang kalihim ng Kalusugan na si Sec. Ted Herbosa.

Tinalakay ng dalawang opisyal kung paano nila mabibigyan ng angkop na tulong ang mga mag-aaral sa usaping pangkalusugan.

Aminado ito na malaki ang epekto ng hindi sapat na nutrisyon sa mga bata sa kanilang pag-aaral.

Napag-usapan rin nila ang clustering sa mga sa mga influenza-like illness sa iba’t-ibang paaralan sa bansa.

Pati na ang pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS sa mga estudyante at teenage pregnancies.