-- Advertisements --

Nagsanib pwersa ang Department of Education at Land Registration Authority upang mapabilis ang pagtatayo ng mga paaralan at iba pang pasilidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa pamamagitan ng kasunduang ito, mabilis nang mareresolba ang anumang isyu sa mga properties na hindi titulado.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit bumabagal ang pagtatayo ng mga paaralan at iba pang pasilidad dahil sa mga lupain na walang kaukulang titulo.

Nanguna sa signing ceremony sina Department of Education Secretary Sony Angara at LRA Administrator Gerardo Panga Sirios.

Sa ilalim ng kasunduang ito ay gagawing electronic ang mga manual na pag iisyu ng mga titulo ng lupa ng Department of Education.

Kumpyansa rin si Sec. Angara na masosolusyunan na ang isyu sa kakulangan ng silid aralan sa bansa.