Bubuo ng workforce na handa sa hinaharap na mga hamon sa edukasyon ang Department of Education (DepEd).
Kaugnay nito, hinikayat ni Education Secretary Sonny Angara ang mga mag-aaral na gamitin ang mga turo mula sa mga lider ng industriya sa Go Negosyo Youthpreneur, kagaya ng idinaos sa Rizal High School.
Ang Go Negosyo – Youthpreneur, na isang proyekto kasama ang DepEd, ay naglalayong itaguyod ang entrepreneurial mindset sa mga mag-aaral at bigyan sila ng mga pagkakataong magpaunlad ang kasanayan sa pamamagitan ng mentorship.
Nagbigay din ng inspirational talk ang lider ng ride hailing application na si George Royeca at nagkaroon ng panel discussion ukol sa pagtatag ng online presence ng brand.
Inaasahang masusundan pa ang naturang aktibidad sa ilan pang mga paaralan sa ating bansa.