NAGA CITY- Nagsanib pwersa ang Department Education (DepEd) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa isang programa na layuning makatulong sa mga kabataan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR-Bicol, sinabi nito na ang programang ‘Palaisdaan sa Paaralan’ ay bahagi sa pagturo sa mga estudyante na matuto na magtanim ng mga gulay at pag-alaga ng mga isda.
Maliban dito, pwede rin umano itong magdala ng hanapbuhay sa mamamayan lalo na sa mga coastal areas.
Ayon kay Enolva, para sa mga paaralan na nais naman na mag-avail ng naturang programa ay bukas naman na paglalaanan ng mga fingerlings ng kanilang ahensya.
Kailangan lamang umano na makipag-ugnayan ng mga school heads sa kanilang opisina para mapunan na ang naturang programa sa nasambitan ng lugar.