-- Advertisements --
Nakahanda umano ang Department of Education (DepEd) na bigyan ng psychological intervention ang mga estudyanteng nakasaksi sa pamamaril sa isang Grade 7 student sa loob mismo ng paaralan sa Calamba, Laguna.
Ayon kay DepEd spokesperson Annalyn Sevilla, ito raw ay upang matulungan ang mga nakakita sa krimen na makarekober sa posibleng trauma na inabot nila matapos ang pangyayari.
Kahapon ng tanghali nang barilin ng suspek na security guard na si Renz Ivan Balderama ang biktima ng dalawang beses.
Naisugod pa sa pagamutan si Miranda ngunit sumakabilang-buhay ito kalaunan.
Sa ngayon, nakaburol na ang labi ni Miranda sa kanilang tahanan sa Barangay Pansol.
Patuloy din sa kasalukuyan ang pagtugis sa suspek na agad tumakas matapos gawin ang krimen.