-- Advertisements --

NAGA CITY – Inamin ng DepEd-Bicol na bumaba ang kalidad ng edukasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ay dahil mas nahihirapan umano ang mga mag-aaral na matuto sa kasalukuyang mode of education.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Gilbert Sadsad, Regional Director ng DepEd-Bicol, sinabi nito na nasa mahigit isang milyon na mga mag-aaral ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020-2021.

Ayon pa kay Sadsad, hindi rin umano sila sigurado kung ang mismong mga mag-aaal ang sumasagot ng kanilang mga module o ang mga magulang.

Kaugnay nito, nanawagan na lamang nito sa mga guro na kausapin ang mga magulang ng mga estudyante na hayaan ang mga ito sa pagsagot ng kanilang mga aralin.

Samantala, magsasagawa rin ang DepEd ng 2-weeks academic intervention kung saan ilalaan nila ang unang linggo sa paglinang sa kapasidad ng mga guro sa paggawa ng alternatibong learning design.

Layon ng naturang hakbang upang hindi mawalan ng ganang mag-aral ang mga estudyante at para makasabay sa kasalukuyang bagong mode of education.

Habang, gagamitin naman ang ikalawang linggo sa mental health wellness program at capacity building ng mga guro sa paggawa ng mga learning materials na gagamitin para sa 3rd quarter ng klase sa Marso 22, 2021.

Panawagan na lamang sa ngayon ni Sadsad ang kooperasyon ng mga guro at mga magulang para sa ikakabuti at ikakaunlad ng mga mag-aaral.