NAGA CITY – Malaki ang paniniwala ng Department of Education (DepEd) Bicol na magtuluy-tuloy na ang standing ng Bicol Delegates sa Palarong Pambansa 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki DepEd Regional Director Dr. Gilbert Sadsad, humingi ito ng panalangin sa mga Bicolano upang manatili sa rank number 5 sa nasabing sporting event.
Batay kasi sa medal tally pareho ang hawak na gold medals ng Bicol Region at Central Luzon.
Sa kabila nito, umaasa ang opisyal na makakalamang pa rin ang rehiyon dahil sa mga nakatakdang laro ngayong araw na lalahukan pa ng ilang atleta.
Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ng opisyal sa Panginoon dahil sa hindi inaasahang tagumpay ng Bicol Vulcans ngayong taon.
Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok hindi lamang sa Top 10 kundi sa Top 5 ang rehiyon.
Una nang sinabi sa Bombo Radyo ng opisyal na target lamang nila ay makapasok sa Top 10 makaraang bumagsak sa ika-13 noong nakaraang taon.