-- Advertisements --

Binago ng Deprtment of Education (DepEd) ang gingamit na school safety assessment tool (SSAT) para sa face to face classes.

Ang SSAT ay ginagamit para matukoy ang kahandaan ng mga paaralang kalahok sa in person classes.

Ayon sa DepEd, kanilang binago ito base sa monitoring at evaluation results sa pilot implementation at konsiderasyon na rin sa kondisyon ng mga eskwelahan para sa ligtas na pagbubukas ng face to face classes.

Nakapokus ang SSAT sa apat na bagay, ito ang managing school operations, teaching and learning, well-being at protection, at school-community coordination.

Ayon sa Deped, sa ilalim ng managing school operations kailangan ng mga eskwelahan na makatanggap ng suporta mula sa stakeholders.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, makakatulong aniya ang revised SSAT na ito sa kagawaran para sa progressive expansion ng face to face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 1 at 2.

Base sa datos noong Abril 18, nasa halos 27,000 paaralan ang nominado para sa makilahok sa expansion F2F classes.

Sa nasabing mga eskwelahan,nasa 23,963 na ang nagsasagawa ng progressive expansion ng in-person classes.