Bumabalangkas ang Department of Education (DepEd) ng isang learning recovery plan para maging gabay ng mga paaralan upang matugunan ang learning gaps dahil sa pandemiya.
Sa isang statement, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ngayong mas maraming mga paaralan na ang nagbubukas para sa physical learning, kasalukuyang bumubuo ang kagawaran ng learning recovery program bilang bahagi ng kanilang post pandemic efforts.
Kailangan aniya na matiyak na epektibo ang ginagawang inetrventions upang lahat ay kayang makasunod at mapataas ang kalidad ng pagtuturo.
Ayon kay Alma Torio, Assistant Secretary for Curriculum and Instruction, kasama aniya sa proposed policy ang pagpapalawig ng school calendar at oras ng klase, pagtatatag ng learning support center sa mga paaralan at community-based learning spaces, pagsasagwa ng summer learning remediation at intervention programs gayundin ang hiring ng karagdagang learning support aides,
Plano din ng kagawaran na palakasin ang Oplan Kalusugan at magpokus sa Child protection , child online protection at pagkakaroon ng helplines o health lines.
Sa parte namna ng professional development ng mga guro, layon ng ahensiya na magsagawa ng physical at online learning action cell sessions, adaptive teaching strategies at classroom assessments, gayundin ang shifting mula sa traditional approach sa tailored acceleration.
Ipapatupad aniya ang first phase ng learning recovery plan ngayong summer season habang ang susunod na phase naman ay iimplementa sa susunod na academic years. Top
-- Advertisements --