Bumuo ng Election Task Force (ETF) Operation at Monitoring Center ang Department of Education (DepEd) para sa darating na eleksyon.
Ito ay upang gabayan ang mga public school teachers at personnel na na magseserbisyo para sa botohan sa Mayo 9.
Ayon pa sa kagawaran, ang pagbuo ng ETF ay tutulong sa Commission on Election (Comelec) na tiyaking malaya, maayos, tapat, mapayapa, at mapagkakatiwalaan ang gaganaping national at local elections sa bansa.
Sa isang statement ay sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang Election Task Force ay sisiguraduhin na mayroong sapat na impormasyon, teknikal at legal assistance ang mga guro at iba pang personnel na gaganap bilang mga miyembro ng Electoral Board.
Batay sa DepEd Memorandum No. 10, s. 2022, Itatalaga sina Education Undersecretaries Alain Del Pascua at Revsee Escobedo bilang DepEd ETF Operations and Monitoring Center chair at vice-chair.
Itatayo ang DepEd ETF sa Bulwagan ng Katarungan, sa DepEd Central Office sa Pasig City mula Mayo 8 hanggang 10 at magbubukas naman mula 1 p.m. hanggang 5 p.m. upang matiyak na sumusunod sa lahat ng mga ipinapatupad na kautusan at mga tagubilin na may kaugnayan sa election duties.
Pahihintulutan din na lumikha ang lahat ng regional at schools, maging ang mga city division offices ng kani-kanilang ETF Operations and Monitoring Centers sa parehong schedule.
Samantala, Isasailalim naman sa umiiral na mga alituntunin at regulasyon ang pagbibigay ng honoraria sa mga opisyal at taugan na magseserbisyo sa kanilang mga ETF.