-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ang paghahanda ngayon ng Department of Education o DepEd-Caraga sa mga kakailanganin para sa hosting nila sa Palarong Pambansa 2026.

Ayon kay DepEd-Caraga regional director Dr. Maria Ines Asuncion, sinimulan na nila ang paghahanda nito pang 2024 matapos i-anunsyo na ang lalawigan ng Agusan del Sur ang nanalo sa bidding para sa hosting ng biennial (bay-yen-yal) event.

Napag-alamang kahit ang provincial government ay patuloy din sa kanilang ginagawang paghahanda lalo na ang pagtrabaho sa 122-kilometer Maharlika Highway segment.

Sa tantya ni Dr Asuncion, matatapos ang kanilang paghahanda sa unang mga buwan ng taong 2026.