-- Advertisements --

Hinamon ng Department of Education (DepEd) ang mga kritiko na magbigay ng alternatibong paraan ng pagtuturo para sa mga estudyanteng apektado ng coronavirus pandemic.

Tugon ito ni DepEd Sec. Leonor Briones matapos batikusin ang plano ng kagawaran para sa tinatawag na remote learning ng mga estudyante.

Ayon kay Briones, dismayado raw ito sapagkat umani kaagad ng pag-alma ang kanilang plano kahit na hindi pa ito nauumpisahan.

Samantala, sinabi ng kalihim na nasa 70% ng mga guro ang may tablet computers, at halos 90% ang may smartphones na maaaring magamit sa online lessons.

Babalik naman aniya sa trabaho ang mga teachers sa susunod na buwan upang paghandaan ang “blended learning”.

Inihayag pa ni Briones na nakatanggap daw ang kagawaran ng partnership offers mula sa ilang media networks para sa pag-develop ng educational shows.