Pinangunahan ni Education Sec. Sonny Angara, kasama ang Khan Academy Philippines at si Chief Operating Officer Myrish Antonio sa pagbisita sa Fernando Ma. Guerrero Elementary School sa Paco, Manila upang obserbahan ang Khan Academy Session, kasama ang mga mag-aaral nito.
Sa pagbisita ng opisyal, sinaksihan nito kung paano isinama ng mga Grade 5 learners ang Khan Academy application sa kanilang Mathematics lesson.
Sa Pilipinas, ang Khan Academy ay nagbibigay ng libreng edukasyon sa pamamagitan ng mga kursong available sa mga mag-aaral at guro na patuloy na nag-a-update para sa pagkakahanay sa kasalukuyang lokal na kurikulum.
Pinagsasama rin nito ang Khanmigo, isang tutor na pinapagana ng A.I. sa wikang English at Filipino na gumagabay sa mga mag-aaral at tumutulong sa mga guro.
Pinasalamatan ng kalihim ang academy sa pakikipagtulungan at sa pagbibigay ng mga libreng tool at personalized learning resources para sa mga Filipino learners.
Nangako naman ang grupo na bibigyan ng mas maraming mag-aaral ang access sa digital learning content para sa kapasidad na mag-aral sa sarili nilang paraan, sa loob at labas ng silid-aralan, pati na rin ang pagtulong sa mga guro na gumawa ng mga lesson plan para sa mga masaya at nakaka-encourage na aktibidad.
Mula sa 34 na pilot school, ang Khan Academy ay mayroon na ngayong 373 partner schools na may 130,503 learners at 1,515 teacher beneficiaries.
sinelyuhan ng DepEd at Khan Academy Philippines ang partnership nito noong Agosto 5, na nagpapatibay sa mga pangunahing kasanayan ng mga Filipino learners sa numeracy at literacy sa pamamagitan ng Khan Academy online course content.