-- Advertisements --
BAGUIO CITY-Handang handa na ang Department of Education (DepEd)- Cordillera na nalalapit na May 13 midterm elections.
Ayon kay DepEd-Cordillera Assistant Regional Director Betina Aquino, inaasahan na magiging maayos ang halalan sa rehiyon dahil sumailalim sa masusing pagsasanay ang mga guro na magiging bahagi ng electoral board.
Tiniyak nito na walang dapat ipangamba ang mga botante dahil magbibigay ng assistance ang mga guro.
Idinagdag ni Aquino na tiniyak naman ng Comelec, PNP at AFP ang pagbibigay nang mahigpit na seguridad para sa mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs)