Kinumpirma na ng Department of Education ang plano nitong pagbabalik sa lumang school calendar.
Sa ginawang pulong sa House basic education committee, sinabi ni Leila Areola ang director of Bureau of Learning Delivery ng DepEd, na ang school year ngayong 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29 at magtatapos ng hanggang Marso 31, 2025.
Sa nasabing petsa ay maari na nilang simulan ang susunod na school year sa buwan ng Hunyo.
Magsasagawa muna sila ng pulong sa mga magulang, guro at mag-aaral sa plano nilang pagpapatupad ng Saturday classes para mapunan ang mga ilang mga araw na nabawas ngayong school year.
Ayon naman kay House basic education committee Rep. Roman Romulo na walang may kasalanan nito dahil sa hirap talaga ang magpatupad ng klase sa sobrang init ng panahon.