-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang Department of Education sa polisiyang nagmamandato sa on-site working ng lahat ng kawani nito sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 para magreport physically sa mga paaralan at opisina.

Depensa ng kagawaran na ito ay sumusunod lamang sa panuntunan na itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na siyang nangunguna sa COVID-19 pandemic response ng bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang physical reporting ay isang requirement ng IATF sa mga rehiyon at sites na nasa ilalim na ng maluwag na alert level 1.

Una ng umapela ang ilang mga guro sa DepEd na suspendihin ang Memorandum No. 29 na nagrerequire sa lahat ng teaching at nonteaching personnel sa mga paaralan at offices para sumunod sa 100 porysentong onsite reporting sa ilalim ng Alert level 1.

Sa panig ng grupo ng mga guro na nagsasagawa ng online classes ay mas nagiging epektibo ang kanilang work setup sa kanilang bahay kumpara sa mandatory on-site reporting na makakaantala lamang.

Inireklamo din ng ilang guro ang inadequate na internet connectivity sa kanilang paaralan na siyang nagdudulot ng problema sa kasagsagan ng online classes.

Ayon naman kay DepEd’s undersecretary for curriculum and instruction Diosdado San Antonio, ginagawan na aniya ng paraan ng mga heads na masigurong available ang internet para sa lahat ng mga guro.

Paliwanag naman ni Undersecretary for finance Annalyn Sevilla na hindi nila mababayaran ang mga guro na hindi magrereport on-site base na rin sa bagong regulasyon ng Civil Service Commission kung saan kailangan ng time-in at time-out dahil kapag hindi anila ito gagawin kwekwestyunin ito ng Commission on Audit ang kanilang pagpapasweldo sa mga empleyado na walang record ng time in at time out.