-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na susunod sila sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng face-to-face classes hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, handa sila sa anumang hamon kaugnay sa nakatakdang implementasyon ng mga alternatibo sa pisikal na mga klase, gaya ng online o distance learning para sa nalalapit na pasukan.

“We thank the President for reiterating the national government’s willingness to assist us in our endeavor to offer alternatives to face-to-face learning despite the public health situation,” saad ni Briones sa isang pahayag.

“We will comply with the President’s directive to postpone face-to-face classes until a vaccine is available,”dagdag nito.

Una nang sinabi ni Briones na gagamitin ang iba’t ibang paraan ng pag-aaral para maihatid sa mga estudyante ang kanilang mga lesson.

“Radio, television, online and modular learning — which are pre-existing methods and were already used for decades — are being prepared and updated for this year,” anang kalihim.

Kamakailan nang sabihin ni Pangulong Duterte na duda raw ito sa kahandaan ng bansa para sa pagpapatupad ng distance learning sa pagbubukas muli ng mga klase sa Agosto.

“Maghintay ng vaccine. Walang vaccine, walang eskwela. Secretary Briones is insisting that there is an alternative there. She has a very good program for that, like teleconferencing. The technology is good. I don’t know if we are ready for that,” inihayag ng Pangulong Duterte.