Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na tuloy pa rin sa pag-martsa ang mga mag-aaral sa elemetarya na magtatapos ng Grade 6 ngayong school year.
Ito’y kasunod ng kalituhang idinulot ng isang DepEd memorandum na nagsasabing Grade 12 students lang ng ang mag-martsa at makakatanggap ng diploma.
Humingi ng paumanhin ang kagawaran matapos kwestyunin ng mga magulang ang inilabas na kautusan.
Batay sa February 18 memo ni Education Sec. Leonor Briones nakasaad na hindi sasalang sa graduation, kundi moving up ceremonies lang ang mga kindergarten, Grade 6 at Grade 10 bilang nasa ilalim ng lumang basic education system.
“This memorandum clarifies that the end of school year rites for Grade 6 completers for School Year 2018-2019 shall be a graduation ceremony,” nakasaad sa unang memorandum.
Dahil dito, naglabas ng panibagong memo ang DepEd nitong Biyernes na nagbibigay kalinawan sa issue.