Hihintayin muna ng Department of Education (DepEd) ang “definitive advisory” ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kaugnay sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na handa silang magpatupad ng lahat ng mga nararapat na pagtugon upang maiwasan ang pagkalat ng virus batay sa abiso ng task force.
“DepEd is ready to implement all necessary proportionate response to the latest developments upon receipt of the definitive advisory from the Inter-Agency Task Force on Monday,” pahayag ng kagawaran.
Sa kasalukuyan, sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na humihingi sila ng abiso mula sa Department of Health (DOH) ukol sa dalawang major event na National Schools Press Conference (NSPC) and National Festival of Talents (NFOT) mula Marso 7 hanggang 15.
“In the meantime, Secretary Briones is seeking guidance from DOH on the conduct of two major events, NSPC & NFOT, from today, March 7, to March 15 inclusive of travel, with recommendation to be allowed to proceed under the circumstances that participants are already on travel or at the venue, with observance of heightened precaution,” pahayag ng kagawaran.
Inaasahan din umano nilang magpupulong ang task force sa araw ng Lunes.