-- Advertisements --
image 235

Kulang pa rin ng 2.5 milyon na mag-aaral ang Department of Education (DepEd) sa target nitong 28.8 milyong mag-aaral para sa school year 2023 hanggang 2024.

Ito ay matapos ang ikalawang linggo ng klase kung saan 26.3 milyon ang opisyal na naka-enroll na mga mag-aaral sa elementarya at high school .

Iniulat ng DepEd ang kabuuang 26,304,338 mag-aaral na naka-enrol sa pampubliko at pribadong paaralan, pati na sa mataas na paaralan, gayundin sa mga paaralan sa Pilipinas sa ibayong dagat at sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).

Naitala ng Rehiyon 4-A CALABARZON ang pinakamaraming bilang ng mga naka-enroll na mag-aaral sa 3,879,738, sinundan ng Rehiyon CENTRAL LUZON na may 2,877,398.

Gayundin sa Metro Manila na may 2,713,999).

May kabuuang 288,012 mag-aaral ang nag-sign up sa ilalim ng ALS habang 15,483 ang naka-enrol sa mga paaralan sa Pilipinas sa ibang bansa.

Una nang sinabi ng DepEd na ang mga paaralan ay tatanggap ng mga enrollees hanggang sa katapusan ng Setyembre.