-- Advertisements --
Palarong Pambansa 2019 - UP Davao

NAGA CITY- Hinimok ngayon ng Department of Education (DepEd)-Bicol ang publiko na makinig sa Bombo Radyo para sa mga updates sa Palarong Pambansa 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kevin Arroco, Project Development Officer II ng DepEd-Bicol, nanawagan ito sa publiko na makinig sa Bombo Radyo dahil dito aniya nila ibinabato ang mga bagong resulta at mga pangyayari sa Davao City.

Kaugnay nito, nitiyak din ni Arroco sa mga magulang ng mga bata na gagawin nila ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Una rito, ayon kay Arroco, handang handa nang lumaban ang mga atleta mula sa Bicol lalo na at nagkaroon ang mga ito ng sapat na panahon para sa kanilang training.

Nabatid na mayroong mahigit sa 500 mga atleta ang bumubuo sa delegasyon ng Bicol na sasabak sa iba’t ibang laro sa naturang sporting event.