Todo paliwanag ang Department of Education (DepEd) na sadya naman silang nagpanukala ng Php532 million budget para sa Special Education Program (SPED) para sa fiscal year ng 2023.
Gayunman sa kabila umano ng kanilang pagsisikap ng mapag-ukulan ng pansin ang mga estudyante mula sa mga may special needs, hindi umano kinonsidera ang kanilang panukalang budget ng National Expenditure Program (NEP).
Ganon din daw ang nangyari sa dalawang programa na naitsapuwera na ambigyan ng budget.
Inamin ng DepEd sa kanilang statement na halos ganito raw ang nangyayari taon-taon sa kabila na nakikipagtulungan naman sila sa Congress na mapondohan ang mga programa ng DepEd.
Nilinaw naman ng DepEd na ang pagpapalabas nila ng pahayag ay upang sagutin ang mga malisyoso umanong alegasyon na sinadya ng DepEd na tanggalin ang special funding sa Special Education Program.