Desidido ang Department of Education (DepEd) na ibigay sa bawat Pilipinong mag-aaral, kahit sa malalayong lugar, ang kalidad ng pangunahing edukasyon na nararapat sa kanila.
Sa kabila ng mga hamon, ang ahensya ay nakapagpatupad ng mga reporma sa loob ng ahensya at sa buong sektor ng basic education ngayong taon.
Noong nakaraang Enero, pinangunahan ni VP at Education Secretary Sara Z. Duterte ang paglulunsad ng MATATAG Agenda upang gawing may kaugnayan ang kurikulum upang makabuo ng competent, job-ready, active, at responsible citizens.
Kasama rin sa mga reporma ang paglikha ng Procurement Strand sa DepEd para sa mas mabilis na paghahatid ng mga serbisyo at resources ng pag-aaral.
Samantala, nilikha din ang School and Infrastructure Facilities Strand upang tumuon sa pagtugon sa mga backlog sa silid-aralan at iba pang pasilidad.
Para sa taong kasalukuyan, nakapagpatayo ang DepEd ng 2,201 bagong silid-aralan at 880 health facilities.
May kabuuan din na 1,274 na silid-aralan din ang naayos ng departamento.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang mga isinasagawa at isinusulong na mga proyekto ng DepEd upang makamit ang maayos at matatag na kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral.