-- Advertisements --
image 566

Sa kabila ng patuloy na hidwaan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Makati at Taguig, iginiit ng Department of Education na “smooth” at “orderly” ang pagbubukas ng klase sa mga kinauukulang paaralan.

Ayon kay Department of Education Assistant Secretray for operations at Deputy spokesperson Francis Cesar Bringas, walang nangyaring hindi kanais nais at lahat ng mga kasunudan sa pagitan ng dalawang superintendents ay nasunod.

Matatandaan na nabahala ang mga stakeholder sa 14 na paaralan na kabilang sa Makati-Taguig despute, sa pagbubukas ng klase. Ito ay bago pa pumagitna ang kagawaran ng edukasyon at inako ang awtoridad sa mga naturang paaralan.

Bilang bahagi ng awtoridad ng DepEd sa 14 na paaralan, lumikha din ito ng Transition Committee upang pangasiwaan ang paghahanda ng isang physical inventory ng lahat ng mga ari-arian na sangkot; pagsama-samahin ang mga dokumento ng paglipat kabilang ang isang kumpletong listahan ng existing contracts na kinasasangkutan ng mga operasyon ng mga subject schools; at gumawa ng Final Transition Plan.