-- Advertisements --

Sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng edukasyon na dala ng pandemya, higit na isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng “shared responsibility” sa mga stakeholder kabilang ang mga lokal na pamahalaan at mga magulang upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng edukasyon sa lahat ng Filipino learners.

Iginiit ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones na tunay na isang responsibilidad ang edukasyon.

Kailangan ng isang nayon upang turuan ang isang bata at ang pagtutulungan ng mga magulang, guro, at lipunan ay mahalaga lalo na sa panahong ito.

Upang higit na bigyang-diin ang konsepto ng “shared responsibility” sa edukasyon, binanggit ng DepEd ang pagsisikap ng kanilang regional office sa Cagayan Valley sa pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes.

Sa kabilang banda, pinarangalan ng DepEd-Region II ang mga katuwang nito — kabilang ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga magulang — para sa “tagumpay” ng pilot face-to-face classes sa rehiyon.

May kabuuang sampung pampublikong paaralan ang lumahok sa pilot na pagpapatupad ng face-to-face classes sa rehiyon.