-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang seminar ng mga guro sa Zambales na nagdulot ng pagkahawaan ng COVID-19.
Ayon sa ahensiya na posibleng mapanagot ang nasa likod seminar kapag sila ay napatunayang nagpabaya.
Una ng sinabi ng Teachers’ Dignity Coaltion na nasa 30 katao na dumalo sa seminar ang nadapuan ng virus na isinagawa sa Iba mula noong Marso 2-6.
Sinabi ng pa ng DepEd na hindi nila pinayagan ang nasabing seminar.
Dahil dito ay umapela si TDC national chairperson Benjo Basas sa DepEd ang mahigpit na implementasyon ng work-from-home arrangemtn para sa mga guro.
Hindi rin aniya isolated ang nangyaring seminar dahi kinakailangan pa rin ang guro na pumasok personally sa kanilang mga opisina.