BAGUIO CITY – Ikinalungkot ng Department of Education (DepEd)-Cordillera ang pagbaba sa ranggo ng Fearless Highlanders – Team Cordillera sa katatapos na Palarong Pambansa 2019 sa Davao City.
Nakakuha lamang ng 14 na gold medals, 13 silver at 24 bronze medals ang Team Cordillera para sa ika-10 pwesto.
Malayong bumaba ang standing ng rehion Cordillera kung ikukumpara noong 2018 kung saan nagtapos ang rehiyon ang ika-limang pwesto.
Ayon kay Baguio Schools Division Superintendent Federico Martin, gumanda ang abilidad ng mga atleata sa ibang rehiyon lalo na sa mga combative sports tulad ng arnis, taekwondo at archery.
Sinabi pa niya na humina ang mga runners ng Cordillera at dahil sa epekto ng mainit na panahon sa Davao.
Inamin niya na kulang ang panahon ng pagsasanay ng mga atleta lalo na sa team sports kaya bumaba ang performance ng mga ito.
Gayunman,umaasa ang mga ito na magbabalik sa mas mataas na puwesto ang Cordillera sa susunod na taon at tututukan pa ang pangangailangan ng mga atleta.