Malugod na tinanggap ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pagkakatalaga ni Senator Sonny Angara bilang kalihim ng edukasyon.
Si Angara ang papalit kay Vice President Sara Duterte bilang bagong DepEd chief, batay sa anunsyo ng Palasyo ngayong araw.
Umaasa raw ang DepEd community na makatrabaho si Senator Angara kasabay ng patuloy na pagtataguyod ng quality basic education sa bansa.
Matatandaan na nagbitiw si Duterte bilang pinuno ng DepEd noong Hunyo 19.
Hindi ito nagbigay ng partikular na dahilan sa kanyang pagbibitiw ngunit ipinaliwanag na ang kanyang desisyon ay hindi tanda ng kahinaan kundi pagmamalasakit sa mga guro at mag-aaral.
Samantala, sa hiwalay na pahayag, nagpahayag ng pag-asa ang advocacy group na Philippine Business for Education (PBEd) na ang karanasan ni Angara ay magpapalakas sa kakayahan ng gobyerno na maayos na harapin ang mga isyu sa edukasyon.