-- Advertisements --

Iminungkahi ng Department of Education na magkaroon ng pasok sa araw ng Sabado.

Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na ang ‘Saturday classes’ ay para lamang sa mga paaralan na nagpaliban ng pagbubukas ng klase nitong Hulyo 29.

Layon aniya ng Saturday class ay para makahabol ang mga mag-aaral sa mga aralin at hindi mabitin ang school days na nakatakda sa school calendar.

Magugunitang maraming mga paaralan ang ipinagpaliban ang pasukan matapos na masalanta ang kanilang paaralan.