Gumawa ng mga pagbabago ang Department of Education sa “Panatang Makabayan” na Philippine pledge of allegiance na binibigkas ng milyun-milyong estudyante sa buong bansa.
Sa ilalim ng utos, binago ng Department of Education ang pledge na gamitin ang salitang “nananalangin” sa halip na “nagdarasal.”
Ang bagong bersyon ngayon ay dapat na “naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin nang buong katapatan.”
Igniit ng kagawaran na ito ay resulta ng mga konsultasyon ng Office of the Undersecretary for Curriculum and Teaching (OUCT) sa iba’t ibang organisasyon upang baguhin ang mga terminolohiya sa pambansang pangako.
Ayon sa naturang utos, natuklasan ng Linguistic Society of the Philippines na ang panukala para sa paggamit ng ‘nananalangin’ ay maayos ang pagkakasulat at sapat na makatwiran.
Dagdag dito, ang Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino ay sumang-ayon sa paggamit ng nananalangin dahil ito ay higit na inklusibo, mas solemn, at ang pagpili para sa salita ay pinag-isipang mabuti at malawakang sinaliksik.
Iba naman ang naging opinyon ng Language Study Center ng Philippine Normal University ngunit nagpahayag ng suporta sa pinal na desisyon ng Office of the Undersecretary for Curriculum and Teaching sa usaping ito.
Dahil dito, inirekomenda na gamitin ang salitang “nananalangin” sa halip na “nagdarasal” dahil ito ay itinuring na “likas at integral sa mga pagkakakilanlang Pilipino dahil ito ay nag-uugat sa Tagalog”.
Una ng sinabi ng Department of Education na ang Panatang Makabayan ay bibigkasin sa flag raising ceremony, sa panahon ng klase, at mga programa ng pang-araw-araw na aktibidad sa paaralan sa lahat ng