-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa na pinaghahanap ng mga otoridad ang lalaking estudyante na nanaksak sa kapwa nito estudyante sa Janiuay, Iloilo.

Ang biktima ay ang 17 anyos na grade 12 student ng Janiuay National Comprehensive High School at ang suspek naman ay si Dionisio Belaong,18, residente ng Janipaan Oeste, Cabatuan, Iloilo at estudyante rin ng nasabing eskwelahan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Leonil Salvilla, spokesperson ng Department of Education Division of Iloilo, sinabi nito na tinambangan ng suspek ang biktima sa labas nga eskwelahan at binugbog.

Nang nanlaban ang biktima, dito na at sinaksak ito ng suspek sa tagiliran.

Nanawagan rin ito sa magulang ng suspek na tulungan sila upang mapasuko ang kanilang anak.