-- Advertisements --
Binigyan ng Department of Education (DepEd) ang mga lokal na opisyal ng ahensya na magsuspendi ng mga klase at ilang mga teaching related activities dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.
Laman sa nasabing memorandum ang pagpayag sa kanilang regional offices at school division offices na mag-suspendi ng klase ngayong buwan ng base sa kanilang assesement ng mga health status ng mga guro at mag-aaral at sa risk classification ng Inter Agency Task Force.
Hindi rin dapat lalagpas ng dalawang linggo ang class suspension para hindi masira ang kasalukuyang school calendar.
Ang mga private schools naman ay maaaring magsuspendi ng klase base sa pakikipagpulong sa mga samahan ng mga guro.