-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Department of Education ang agarang pagpapatupad ng Alternative Delivery Modes sa mga lugar na tinamaan ng nagdaang bagyong Pepito.

Ayon sa ahensya , layon nito na masiguro na magkakaroon ng “learning continuity” ang mga mag-aaral sa kabila ng mga kalimidad na tumama sa bansa.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Education Secretary Sonny Angara.

Paliwanag ni Sec. Angara, kailangang mapatupad ng mga Regional at Schools Division Office ang learning delivery methods sa nasasakupan nitong mga paaralan.

Ipinag-utos na rin ng ahensya sa mga DepEd Field Office na makipag coordinate sa mga lokal na pamahalaan para sa pagsasagawa ng paglilinis at pagaasyos ng mga masirang paaralan dahil sa bagyo.