Mariing kinondena ng Department of Education ang napaulat na pag-ambush sa isang public school teacher sa Barangay Boniao, Mahayag, Zamboanga del Sur habang pauwi ito galing sa trabaho noong Huwebes ng hapon, April 11.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang kagawaran sa pamilya ng biktima at nanawagan sa mga “concerned authorities” na siguruhin ang kaligtasan at seguridad ng mga guro.
Hinimok din nito ang kapulisan para sa agarang pagbibigay ng hustisya sa biktima.
Ayon sa ulat ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, namatay kaagad sa pinangyarihan ng krimen ang guro matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Kaagad kasing tumakas ang mga suspek gamit ang sinasakyang motorsiklo ayon sa mga barangay official at pulis na rumesponde sa nangyaring insidente.